Tarlac City gov’t, naglabas ng non-apology re: Pag-block sa Ninoy Aquino statue sa Marcos rally

Naglabas ang City Government ng Tarlac ng non-apology, kasabay ng pagtanggi na layunin nilang hindi igalang ang alaala ng tinawag na ‘Son of Tarlac’.

Ito’y matapos na umani sila ng batikos nang harangan ang monumento ni dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. ng makeshift tent sa rally ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang Facebook post, sinabi ni city administrator Lumer Lobo na ang insidente ay isa lang “inadvertent” at walang halong pamemersonal.

Kaugnay nito, isinama ng lokal na pamahalaan ang larawan kung saan makikita na hindi tinabunan ng tent ang monumento.

Paliwanag nito, may sapat na distansya ang naturang tent mula sa statue, pero dahil sa dagsa ng mga tao at sinabayan pa umano ng init ng panahon, kung saan naghanap ng masisilungan ang ibang dumalo sa rally ay naurong ang naturang tent sa monumento, bagay na hindi naman sinasadya. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *