Pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang exploitation sa party-list system sa bansa, at sinabing ginagamit ito ng mga mayayaman para sa kanilang sariling interes sa Kongreso.
Giit ni Duterte, dapat magkaroon ang party-list system ng mekanismo para bigyan ng boses ang mga underrepresented sectors ng lipunan sa Kongreso, sa halip na abusuhin lang ng mga mayayaman.
Dahil dito, nanawagan ang pangulo na amyendahan ang 1987 Constitution, na siyang nagpapahintulot sa pagbuo ng party-list system, at hinimok ang mga mambabatas na bumuo ng Constitutional Assembly (ConAss) o Constitutional Convention (ConCon) para maayos ang naturang usapin.

Una nito, binatikos ng presidente ang ilang party-list groups na sinasabi nitong may kaugnayan sa communist movement.