Nilinaw ng TAPE Inc. na hindi pa magtatapos ang noontime show na Eat Bulaga sa GMA Network sa darating na Hulyo.
Ayon kay Atty. Maggie Abraham Gardque, walang rason para mag tapos ito dahil maganda naman ang takbo ng programa sa masa.
Bagama’t inamin ni Garduque ang pagbaba ng ratings ng show dahil sa mga inilunsad na programa sa mga bagong networks, makikita na tumataas pa rin ito sa tulong ng mga bagong segments na kasama si Yorme Isko Moreno at Buboy Villar.
Dagdag pa nito na magpapatuloy ang Eat Bulaga hangga’t maraming nanonood at tumtangkilik sa programa.
Image from Sparkle
