DOH Bicol, muling namahagi ng health commodities at logistics mula sa WHO para sa mga bakwit ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Muling namahagi ang Department of Health (DOH) Bicol ng mga health commodities at logistics na pawang mula sa World Health Organization (WHO) para sa mga bakwit ng Bulkang Mayon.

Ito ay bilang tugon sa mga pangangailangan ng mga pamilya na pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Kung babalikan, nauna nang ipamahagi ang mga ito sa ilang evacuation centers sa lalawigan.

Laman ng mga health commodities ay ang kahon-kahon na suppy nh collapsible water containers o jerry cans, surgical masks, at N95 at KN95 masks.

Samantala, patuloy naman ang pagtitiyak ng DOH Bicol na maayos ang kalagayan at kalusugan ng mga evacuees kaya’t ipinagpapatuloy din nila ang kanilang pagmo-monitor katuwang ang iba’t ibang teams ng Mayon Response.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Nagpapaalala naman ang ahensya na manatiling kalmado, alerto at palagiang sundin ang mga emergency safety tips upang maiwasan ang panganib na maaaring idulot ng pag-aalburoto ng bulkan.