Taliban co-founder balik Afghanistan matapos ang Kabul take-over

Nakabalik na sa Afghanistan si Taliban co-founder Mullah Abdul Ghani Barader mula sa pagkaka-exile nito sa Qatar.

Napag-alamang si Barader ang magti-take over sa pamamahala sa Afghanistan matapos makubkob ng Taliban ang kanilang gobyerno at mapaalis palabas ng bansa ang kanilang Presidente na si Ashraf Ghani.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ayon sa report, naging dramatic ang pagbabalik ni Barader kung saan makikita sa mga video footage na nagsasaya ang mga sumalubong sa kanya mula sa Kandahar airport.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Hindi magkamayaw ang mga supporters at believers ni Barader na sakay ng convoy mula sa kanyang pagdating sa paliparan.

Matatandaan na ang Kandahar ang spiritual birthplace ng Taliban at pinakamahalaga nilang “base” bago sila napatalsik ng US-led military campaign, 20 taon na ang nakakaraan.