Taiwan, nag-donate ng bigas sa mga Pilipinong apektado ng kalamidad

Nag-donate ng 20,000 sako ng bigas ang Taiwan sa mga apektadong komunidad ng mga nagdaang kalamidad.

Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Silvestre H. Bello III, natanggap nila ang naturang donasyon noong nakaraang linggo mula sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO), sa pangunguna ni Wallace Minn-Gan Chow – na siyang kinatawan ng Taiwan sa Pilipinas.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Nagpasalamat naman si Bello sa TECO, at sinabing malaking tulong ang donasyong bigas para sa mga mahihirap na pamilya, maging sa mga taong tinamaan ng mga kalamidad.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Ibinahagi rin nito na natukoy na nila ang mga makikinabang ng nasa 2,000-metric tons na rice donation.

Samantala, inaasahang darating pa sa mga susunod na buwan ang iba pang donasyong bigas.