Gobyerno – wala na raw paraan sa pagsugpo ng problema sa bigas – grupo

Nangangamba ang isang grupo ng mga magsasaka sa bansa sa napintong pagtatakda ng Department od Agriculture (DA) ng Suggested Retail Price (SRP) sa bigas na nila’y papasanin na naman ng maraming mga farmers.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila sa National Manager ng Federation of Free Farmers Cooperatives Inc., na si Raul Montemayor, sinabi nito tila nahihirapan na ang pamahalaan sa pagsugpo sa kinakahap na kakulangan ng suplay ng bigas sa bansa.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Aminado si Montemayor na maganda ang layunin ng panukalang ito ngunit magdudulot ito ng talamak na panlalaman sa mga mamimili lalo’t napakaraming uri ng bigas at hindi malinaw ang mga regulasyon sakaling ipatutupad ang SRP sa bigas.

Nilinaw naman ni DA Asst Secretary at spokesman Arnel de Mesa na sa pinaplanong SRP ng ahensya ay kinakailangan pa rin nilang kumonsulta sa lahat ng mga stakeholders mula sa consumer, producer , traders at millers upang maitakda ang SRP.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Samantala, nanindigan ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na posibleng maapektuhan ng itatakdang presyo ang importasyon sa bigas, at hindi na magpasok pa ng bigas ang Vietnam at Thailand dahil talagang mataas ang daigdigang presyo ng bigas.