Ibinida ng Taichung Suns ang pagpirma ni Jordan Heading sa kuponan nito sa kabila ng pagkwestyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa validity ng kontrata ng basketbolista kasama ang T1 club.
Inaasahan na ang pagpirma kasama ang Taichung ni Heading, na nag-aral sa Taichung Morrison American School bago ito lumipat sa Estados Unidos, ay magsisilbi bilang homecoming nito.
Lumapit na ang SBP sa parehong FIBA at Chinese Taipei Basketball Association para kwestyunin ang naturang development, sa kadahilanan na meron pa itong “live” legal contract kasama ang federation hanggang March 2023.
Sa isang social media post ay nanindigan ang Taichung na sumunod ang kontrata na pinirmahan ng Taichung Suns at Heading sa lahat ng legal requirements.
Iginiit rin ng organisasyon na alinsunod ang kontrata nito sa transfer-related regulations ng FIBA.
