7 patay, 140 sugatan sa kilos protesta sa Sudan

Pitong tao ang patay habang 140 naman ang nasaktan matapos umanong mamaril ang mga sundalo sa kilos protesta ng mga tao laban sa military takeover sa Sudan.

Ayon sa report, nagtipon sa mga kalsada ang mga taong tutol sa pagbuwag ng militar sa civilian rule at inaresto pa ang ilang political leaders.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Napag-alaman din na nagbahay-bahay ang military troop para arestuhin ang mga local protest organizers.

Mariin namang kinondena ng maraming bansa sa buong mundo ang kudera sa Sudan habang ipinatigil ng America ang $700 million na aid nito sa nasabing bansa.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Matatandaan na halos dalawang taon na ding nagkakairingan ang Civilian leaders at military sa Sudan.

Sa ngayon ay patuloy ang mga protesters sa mga kalsada ng Khartoum at iba pang lungsod kung saan iginigiit nila na maibalik ang Civilian rule sa kanilang bansa.