Taguig LGU, nagsalita muli tungkol sa pagsasarado ng mga health center

Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Taguig City na ang kanilang nakuhang sulat noong November 23 mula sa Department of Health (DOH) ay naglalaman ng request para sa pagproseso ng business permit, mayor’s permit, sanitary permit at iba pang requirements ng mga health facilities na kumukuha ng renewal ng license to operate (LTO).

Ito ay taliwas umano sa sinasabi ng Makati na pinaalalahan sila ng Metro Manila Center for Health Development ng DOH na i-renew ang LTO ng tatlong laboratoryo sa EMBO.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Kaugnay nito, ayon sa Taguig, walang matinong katwiran ang biglaang pagpapasara ng Makati sa mga health centers sa EMBO barangays.

Dagdag pa nila, isa lang itong kapritso ng pamunuan ng Makati upang gipitin ang mga residente ng EMBO dahil sa kanilang pagtanggi na ibigay ang mga pasilidad at lupang kinatitirikan ng mga health centers sa mga ito.

Read More:  Daughter of JPE responds to Cayetano following “uncle” remark

Samantala, binigyang-diin naman ng Taguig na handa silang magbigay ng serbisyo sa lahat ng residente ng EMBO na naapektuhan ng biglaang pagpapasara nito.

Tiniyak din ng mga ito na patuloy lang ang kanilang pagpapatupad nila ng teleconsultation gamit ang sampung hotline numbers para sa konsultasyon ng mga residente at paghingi ng referrals, prescriptions at laboratory request na pawang libre.