Pagsalag ng DOLE sa panibagong wage increase, binatikos ng KMU

Tinuligsa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang ginawang pagbasura ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa posibleng panibagong wage increase ngayong taon.

Ayon kay KMU Chairman Elmer Labog, hindi katanggap-tanggap ang ginawang “preemptive” statement ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

Read More:  Atin Ito Coalition denies ‘planted trash’ claims by Chinese media

Kung maalala, ayon kay Laguesma kinakailangan pa raw “damhin” sa ngayon ang mga naunang umento sa sahod na pahayag ng KMU ay umaabot lamang sa P30-P50 na makakabili lamang ng halos isang kilong bigas.

Read More:  Marcos, Thai PM commit to deeper partnership after ASEAN Summit talks

Kasalukuyang nasa P573 hanggang P610 ang arawang minimum wage sa National Capital Region, ang pinakamataas na minimum na pasahod sa buong Pilipinas. Mas maliit ito sa iba pang mga rehiyon ng bansa.