Nanawagan si Ukranian President Volodymyr Zelensky ng komprehensibong peace talks kasama ang Moscow habang hinihimok ang Switzerland na magsagawa ng crack down sa Russian oligarchs.
Ito ay matapos mapaulat na tumutulong ang Russian oligarchs sa paglulunsad ng giyera laban sa Ukraine gamit ang kanilang sariling pera.
Ayon kay Zelensky, nakatago sa Swiss banks ang yaman ng mga tao na pumopondo sa giyera.
Hindi miyembro ng European Union ang Switzerland na nanatiling neutral, ngunit inadopt nito ang EU sanctions laban sa iba’t-ibang indibidwal at entities sa Russia, kabilang na ang kautusan na i-freeze ang kanilang pera sa Swiss banks.
Nagbabala na ang British intelligence na naiinis na ang Russia dahil sa kabiguan nito na makamit ang kanilang objectives mula nang maglunsad ito ng invasion noong February 24.
Matindi na rin ang nawawala mula sa Russian forces, na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapasok sa Kyiv, na kabisera ng Ukraine.
Gayunman, nakaranas naman ng labis na pinsala ang iba pang urban areas ng Ukraine matapos ang pagpapaigting ng Russia sa missile attacks nito.
