Tinatayang 847 na sibilyan, naiulat na patay mula nang magsimula ang gyera sa Ukraine

Inihayag ng UN human rights office (OHCHR) na tinatayang nasa 847 na sibilyan na ang napapatay habang nasa 1,399 naman ang sugatan mula nang mag-umpisa ang Russian invasion sa Ukraine.

Base ito sa huling tala noong March 18.

Ayon sa OHCHR, karamihan ng casualties ay mula sa explosive weapons tulad ng shelling mula sa heavy artillery and multiple-launch rocket systems at missile and air strikes.

Inaasahan naman na posibleng mas mataas pa ang tunay na death toll.

Mababatid na meron malaking monitoring team ang organisasyon sa Ukraine, ngunit sa ngayon ay hindi pa nito natatapos ang pagberipika sa casualty reports mula sa maraming siyudad na labis na naapektuhan ng gyera.