Ukraine, tatanggap ng mas maraming US Javelin at Stinger missiles

Tatanggap ang Ukraine ng panibagong shipment ng mga armas mula sa US sa mga darating na araw, kabilang na ang Javelin at Stinger missiles.

Inihayag ito ni National Security and Defense Council Secretary Oleksiy Danilov sa isang televised interview noong Sabado.

Mababatid na kaya nang pumuno ng maraming eroplano ang mga weapons shipments sa Ukraine, na ipinadala para palakasin ang pagdipensa ng militar nito mula sa Russian invasion.

Una nang binatikos ng Russia ang nasabing deliveries ng NATO member states sa Ukraine.