Suspek sa pagpatay sa isang SHS student sa Caloocan City, arestado na

Na-aresto na ng mga otoridad ang suspek sa pagpatay sa isang 17-anyos na senior high school student sa Caloocan City.

Ayon sa mga otoridad, nasa kamay na nila ngayon ang hinihinalang pumatay kay Daisy Mae Notario.

Read More:  Marcos urges water conservation, home gardening ahead of Super El Niño

Ang suspek na nahuli ay una na umanong naging person of interest sa kaso, at kapitbahay pa ni Notario.

Nalaman ding mayroon na ito noong record ng drug abuse.

Read More:  Henry Aguda quits as DICT chief amid controversies

Inaalam naman na sa ngayon ang motibo sa krimen.

Iniimbestigahan na rin kung kaso ba ito ng roberry, ‘o di kaya nama’y pananamantala sa biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinukpok ng martilyo ang ulo ng biktima habang natutulog.