Gasolina na may halong ethanol at paggamit ng mga electric vehicle, iminungkahe ng DOE

Iminumungkahi ng Department of Energy (DOE) sa publiko lalo na sa may-ari ng mga sasakyan na subukan ang paggamit ng gasolina na may halong 20% na ethanol at pagkakaroon ng mga electric vehicle.

Bunsod ito ng hindi na naman mapigil na pagtaas ng presyo ng petroleum products sa global market.

Read More:  Ukrainian firm facing money laundering charges sent funds to Duterte-linked company

Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, ligtas ang paggamit ng gasolina na may halong ethanol base sa kanilang pag-aaral at wala namang negatibong epekto sa mga sasakyan.

Dagdag pa rito, hinikayat rin ng kalihim ang may mga sasakyan na gumamit ng mga electric vehicle kagaya ng mga naglalabasang mga sasakyan ngayon na bukod sa hindi ginagamitan ng fuel at mabuti pa sa pangangalaga ng kalikasan.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Kung maalala, kahapon muli na namang nagtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa pagmahal ng crude oil mula sa Estados Unidos at ang kaguluhan sa pagitan ng Israel at grupong Hamas sa Middle East.