Suspek sa 3 beses na panggagahasa sa kanyang kumare, arestado

SORSOGON CITY – Arestado ang suspek sa panghahalay sa kanyang kumare sa bayan ng Matnog, Sorsogon.

Batay sa ulat na natanggap ng Brigada News FM-Sorsogon, hinainan na ng kanyang arrest warrant alas 10:40 ng umaga kanina, Oktubre, 4 sa Brgy Culasi ng nasabing bayan si Bonifacio Gabad Magtanao, 27-anyos, binata, walang trabaho at naninirahan sa nasabing lugar.

Itinuturing din si Magtanao na No. 1 most wanted person ng Matnog Police.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 55 sa kasong 3 counts of rape na walang itinakdang piyansa.

Sa impormasyon na natanggap ng Brigada News, sinamantala umano ng suspek ang panghahalay sa biktima tuwing wala ang kanyang kumpare na nagtatrabaho sa sentro ng nasabing bayan.

Sa salaysay naman ng 26-anyos na biktima, tatlong beses umano siyang pinagsamantalahan ng suspek na nagsimula noong buwan ng Mayo 20 dakong alas 11:00 ng gabi at sinundan noong Mayo 26, alas 9:00 ng gabi at ang panghuli ay dakong alas 2:00 ng madaling araw noong Hunyo 6, lahat ng kasalukuyang taon. Umano’y binantaan siya ng suspek na papatayin ang kanyang pamilya kung ito ay magsusumbong.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Sa pakikipag-ugnayan ng Matnog Police sa Barangay Intelligence Network (BIN), natunton ang pinagtataguan ng akusado. Ito ngayon ay nakatakdang iharap sa kanyang court of origin.

PHOTO exclusive for Brigada News FM-Sorsogon