PNP-Caramoran sa Catanduanes, nanawagan sa publiko na itigil ang ‘dynamite fishing’ matapos masabat ang 40 kilong binombang isda nitong weekend

BNFM BICOL—Nanawagan sa publiko ang hepe ng Caramoran Municipal Police Station sa lalawigan ng Catanduanes na si PLt. Lorenzo Alberto, na itigil ang iligal na pangingisda at pagtangkilik sa mga isdang nahuli sa pag de-denamita.

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos na masabat ng kanilang pwersa ang nasa 40 kilo ng mga binombang isda nitong nakaraang Sabado sa Brgy. Dario ng nasabing bayan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nadiskubre ng mga otoridad ang iligal na gawain makaraang makatanggap ng impormasyon hinggil sa insidente ng ‘illigal fishing’ sa naturang lugar.

Agad na nagkasa ng operasyon ang hanay ng kapulisan, at dito nga nila naharang ang suspek na nakilalang si alyas “Odi”, 30-anyos at residente ng nasabing lugar.Narekober mula sakanyang posesyon ang ibinabiyahe sanang isang banyera ng isda na lulan ng motorsiklo.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Batay sa isinagawang pagsusuri ng fish examiner ng MAO, nakumpirmang huli nga sa pagdedenamita ang mga naturang isda. Paalala pa ni Alberto, napakadelikado ng pagdedenamita sa buhay ng mga mangingisda, lalo na sa yamang dagat.

Ito rin aniya ay may kaakibat na kaparusahan sa batas partikular ang paglabag sa R.A 8550 o ang Philippine Fisheries Code na siyang kakaharapin ng naarestong suspek.###