Walang hinihinging kapalit sa pamahalaan ang mga malalaking supermarket sa bansa na pumayag na ibaba ang presyo ng asukal na kanilang ibinibenta.
Ito ang paglilinaw ng Palasyo matapos na pumayag ang pamunuan ng Robinsons Supermarket, SM Supermarket, Puregold Supermarket at S&R Membership Shopping na ibaba sa suggested retail price na P70 ang bawat kilo ng asukal.
Paliwanag ni Press Sec. Trixie Cruz-Angeles na kusang loob ito ng mga negosyante, upang tumugon sa panawagan ng pamahalaan na mapunan ang tila artificial shortage ng produkto.
Inamin din ni Angeles na pansamantala lamang ito hanggang maubos ang supply na ilalaan ng mga supermarket.
Dagdag nito, ito ay magandang pagpapakita ng Filipino spirit na ‘bayanihan’ at pagmamahal sa bayan.
Samantala, sinabi ni Rodriguez, na maaring asahan ng mga consumers ang pagbaba sa presyo sa mga pangunahing groceries at supermarkets sa buong metro sa susunod na linggo.
