Halos P3.00 oil price hike sa susunod na linggo, naka-amba!

Asahan na ang panibagong round ng oil price hike simula sa susunod na linggo.

Ayon sa oil industry sources, posible ang umento sa diesel na nagkakahalaga ng P2.50 hanggang P2.80 kada litro.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Mayroon namang inaasahang P2.70 hanggang P2.80 na dagdag sa kada litro ng kerosene.

Sa gasolina, mayroong estimated na price hike na nagkakahalaga ng P0.40 hanggang P0.70 kada litro.

Ipatutupad ang ‘big-time’ na umento sa presyo ng produktong petrolyo matapos ang pitong linggong sunud-sunod na rollback.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Araw ng Lunes, inaasahang iaanunsyo ang opisyal na galaw sa oil prices; habang Martes naman ipatutupad ang adjustment.