DSWD main office dinagsa ng mga gustong makakuha ng educational assistance

Dinagsa ng mga nais makatanggap ng educational assistance ang main office sa Quezon City ngayong araw.

Nagtangka pa umanong pumasok sa tanggapan ang mga pumilang hindi nakapasok sa ‘cut off’ o kota sa pag-asang makausap si DSWD Sec. Erwin Tulfo.

Gumawa pa ang ilang kabataan ng mga signage at placards upang ipaabot ang kanilang panawagang unahing mabigyan ng naturang ayuda.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Sa pila, may ilang mga senior citizen ang nawalan ng malay at mga batang nawalay sa kanilang mga magulang.

Lumabas naman ng tanggapan si Tulfo upang paalalahanan ang mga hindi umabot sa kota na mag-fill up muna ng form online upang maiwasan ang pagdami ng tao sa loob ng opisina.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Sa naturang programa, makatatangap ng P1,000 ang mga nasa elementarya, P2,000 para sa mga high school students, P3,000 para sa mga senior high school at P4,000 naman sa mga mag-aaral sa kolehiyo.

Ngayong araw, 2,000 lang ang inilaang bilang na maaaring magpa-rehistro para sa naturang ayuda. (Reymar Barcelon)