Superhero at Korean stars bigo sa battle for telco supremacy

Hindi umubra ang pagkuha kina Captain America at sa phenomenal Korean boyband BTS para mapataob ng Smart ang Globe bilang no.1 telecommunication company.

Sa isang disclosure sa Philippine Stock Exchange (PSE) kamakailan, iniulat ng Globe na tumaas ang net income nito ng 27% year-on-year sa P23.7 billion noong 2021.

Lumago rin ang service revenues ng Ayala-led firm ng 4% sa P151.5 billion sa pagtatapos ng 2021, mas mataas ng 2% sa 2019 levels.

Ito ay sa kabila ng magarbong marketing campaign ng Smart Communications.

Ayon sa mga analyst, sa kabila ng iba’t ibang suhestiyon sa kung paano aangat ang Smart ay mayroon naging pagkakamali.

Sa kanilang pag-analisa, nabigo ang marketing teams ng Smart na magamit ang crowd-drawing power ng kanilang powerful brand endorsers para makabenta at kumita.

“Their ad campaigns this year are simpler, have touches of humor and are using less glittery influencers. Notably gone are the flamboyant and grand marketing strategies,” ayon sa mga analysis.

Ang Smart ay lumipat na sa ‘niche marketing’ sa layuning mapataob ang Globe.