Search and rescue sa mga missing sa flashflood at mudslides sa Brazil, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang search and clean-up efforts sa Petropolis City limang araw matapos ang flashflood at mudslides na nangyari na kumitil sa buhay ng 152 na tao habang 154 pa ang nawawala.

Gamit ang mga pala, sinisikap ng mga workers na mahukay ang lugar sa pagbabakasakaling mayroon pang makukuha mula sa mga nawawala.

Read More:  Several Florida polling precincts moved due to heavy rain and flooding

Gumamit na rin ng 41 na mga sniffing dogs ang mga otoridad upang makatulong sa paghahanap sa mga biktima.

Ipinaliwanag ng mga rescuers na mahirap gamitan ng heavy machinery sa taas ng guho kaya mano mano ang kanilang operasyon.

Read More:  Ebola death toll in Congo surpasses 5,000 amid widening outbreak

Una nang na-retrieved ang mahigit sa 300 na mga sasakyan na natangay ng flashflood. Binigyang diin naman ni Mayor Rubens Bomtempo na kailangang malinis ang mga kalsada upang mas mapabilis pa ang kanilang ginagawang operasyon at maibalik ang lungsod sa normal.