Regulatory function ng FDA hiniling na suspendihin

Ibinunyag ni Senator Panfilo Lacson na isinusulong ng mga otoridad ang suspensyon ng regulatory power ng Food and Drug Administration (FDA) at ng ilang probisyon ng Data Privacy Act (DPA) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Lacson, layon ng nasabing panukala na paigtingin ang tugon ng gobyerno sa mga emergencies.

Sinabi ng senador na nabanggit ito sa pagpupulong ng mga opisyal ng legislative at executive branches noong May 6.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Dahil diyan ay sinabi ni Lacson na posibleng maisama ang suspensyon ng FDA regulatory power at DPA provisions sa mga probisyon ng Bayanihan 3, na ngayon ay pinag-uusapan sa Kongreso.

Anya, gumagawa na rin ang Kongreso ng agarang legislative actions laban sa red tape sa FDA na nakakahadlang umano sa government efforts kontra COVID-19.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Ipinunto ni Lacson na walang mangyayari kung hindi masususpindi ang regulatory power ng FDA dahil ngayon ay nasa 26 na ang bilang ng mga requirements na hinihingi nito.

Samantala, inaasahan naman na mapapadali ang contact tracing para sa bahagi naman ni contact tracing czar Baguio City Mayor Benjamin Magalong kung matutuloy ang suspensyon ng ilang probisyon sa DPA.