Suns naka-una na sa NBA Finals vs Bucks

Nagpasiklab sa unang NBA finals appearance sina Chris Paul at Devin Booker para angkinin ang Game 1 sa best-of-seven series kontra Milwaukee Bucks.

Humakot ng 59 combined points sinabi Paul at Booker na naging susi sa panalo 118-105.

Maliban sa 32 points ni Paul at 27 points ni Booker, nagdagdag naman ng 22 puntos si Deandre Ayton na sinamahan pa ng 19 rebounds.

Sa panig ng Milwaukee Bucks, 29 points ang naitala ni Khris Middleton habang 20 points naman ang naiposte ni Giannis Antetokounmpo.

Naging kontrolado ng Suns ang kabuo-an ng Game 1 kung saan hindi na nagawang makabawi ng Bucks sa kabila ng pagtatangka nitong makabalik sa laban.

Gaganapin ang Game 2 sa Biyernes sa home court pa rin ng Suns.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *