Unang repatriation flight para sa mga Pilipino sa Oman na apektado ng travel restrictions nakahanda na – DFA

Nakatakda nang lumipad sa darating na July 26, 2021 ang unang repatriation flight na popondohan ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mga Pilipino sa Oman na apektado ng travel restrictions.

Muli namang ipinaalala ng embahada ng Pilipinas sa Muscat na ang nasabing repatriation flight ay para lamang sa mga Pilipino sa Oman na apektado ng travel restrictions.

Kaugnay nito, kailangan na walang nakabinbing kaso o reklamo roon sa Oman ang mga Pilipinong babalik ng bansa.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Ayon sa embahada, bibigyan ng prayoridad na unang makauwi ang mga may sakit o mga nangangailangan ng medical care sa Pilipinas.

Kasama din sa mga unang mapapabalik ng bansa ay ang mga buntis, mga dayuhan na binigyan ng amnestiya ng Oman Ministry of Labor na hindi na babalik pa sa Oman, mga empleyado na natanggal sa trabaho at mga natapos na ang kani-kanilang kontrata.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Pinapayuhan naman ang mga makakasama sa repatriation flight na tiyakin na ang kanilang permit at visa cancellations, kasama na ang bayarin at iba pang mga dokumento na kakailangan mula sa mga awtoridad ng Oman partikular sa immigration.

Ang mga makakasama naman sa unang flight ay makakatanggap ng tawag sa mga susunod na araw mula sa mga kawani ng embahada upang tiyakin na kabilang sa listahan ng mga uuwi sa bansa.