BICOL – MULING binigyang-linaw ng Department of Health Center for Health Development o DOH CHD-Bicol ang mga panuntunan na sinusunod pagdating sa pagdedeklara na ‘recovered’ na ang isang indibwal na dating nagpositibo sa covid-19.
Ayon kay Ken Nuyda, ng epidemiology surveillance unit ng nasabing ahensya, guided ang mga isolation facilities at mga heath practitioners kaugnay rito.
Kasalukuyang pinagbabasehan umano ay ang Department Memo 2020-0512 o ang Revised Omnibus Interim Guidelines On Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration Strategies For Covid-19.
Para umano sa mga mild cases, dapat ay makatapos ng at least 10 days na isolation mula ng magpositibo sa RT-PCR test at kailangan na maideklara bilaang ‘clinically recovered’ o tatlong magkakasunod na araw na pagiging asymptomatic o wala nang sintomas ng sakit.
Hindi na rin aniya required ang repeat testing para sa may mga mild symptoms.
At least 21 days naman ng isolation sa hopsital ang dapat na matapos ng mga konsideradong moderate to severe cases at maging clinically recovered.
Samantala, para naman sa mga indibidwal na walang sintomas subalit nagpositibo sa test, kailangang mapanatili ang pagiging asymptomatic sa loob ng 10 ataw na siyang magiging basehan upang makakuha ito ng clearance sa doktor.
Paalala pa nito, iba ibang aang recovery process ng mga indibidwal na tinatamaan ng virus kung kayat dapat para hindi malito at maging ligtas, pinaka mainam pa rin na tapusin ang required days of isolation at hintaying mabigyan ng clearance upang muling makabalik sa komunidad.