Makalipas ang isang araw, naapula na rin ang sunog sa isang warehouse sa Guidote St. Brgy. 132, Balut, Tondo, Maynila.
Nagsimula ang sunog mag aalas otso noon pang Huwebes ng gabi at na-fire out na kaninang ala-una bente-uno ng hapon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, mga pambenta sa hardware ang laman ng nasunog na warehouse.
18 fire volunteers ang nasugatan at tinatayang aabot sa halos P20M ang kabuuang halaga ng pinsala.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog.