Walang inisyung tsunami warning sa Pilipinas matapos ang magnitude 6.8 na lindol sa Okhotsk.
Ang naturang pagyanig ay may lalim na 489 kilometers, sa bahagi ng Sea of Okhotsk.
Naramdaman ang lindol hanggang sa bahagi ng southern Tohoku Region sa Japan.
Nabatid na nangyari ang lindol kaninang 11:28 ng umaga.