Kamara, may rekomendasyon din na ipasuspinde ang PUV Modernization Program

Umalma si House Deputy Minority Leader France Castro sa paninindigan ni Pangulong Bongbong Marcos na ituloy pa rin ang implementasyon ng PUV modernization program sa kabila ng pagtutol ng iba’t ibang sektor pati na ang Senado.

Ayon kay Castro, dapat pakinggan ng pangulo ang Senado at ang resolusyon nito na nagpapasuspinde sa programa lalo’t dalawampu’t dalawang senador ang sumuporta rito.

Read More:  DILG prepares 10K force for possible Bato arrest

Sinasalamin aniya ng “unanimous” na panawagan mula sa Senado ang hinaing ng transport workers at mga commuter.

Kinumpirma rin nito na mayroong kaparehong rekomendasyon ang Kamara bagama’t hindi pa nailalabas ang committee report.

Ipinunto pa ng kongresista na malinaw na hindi pa handang ipatupad ang PUVMP at kailangan ng malalimang review.

Read More:  Comelec insists 2028 national elections will push through

Mauuwi umano sa malawakang pagkawala ng hanapbuhay at malubhang epekto sa pampublikong transportasyon ang pagpilit sa jeepney phase-out nang hindi nasosolusyunan ang problemang pinansyal ng operators at drivers.

Idinagdag ni Castro na dapat harapin ng gobyerno ang transport groups sa isang dayalogo upang makabuo ng modernization plan na tunay na nagtataguyod sa interes ng mga Pilipino.