Sundalo patay sa aksidente sa Ragay, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Patay ang isang sundalo sa Ragay Camarines Sur matapos na mabanga ang motorsiklo sinasakyan nito.

Sa ulat ng Ragay PNP, sinabing nangyari aksidente bandang alas-9 ng umaga sa Barangay Agrupacion. Habang binabaybay ng  truck na dala ni Nestor Dazo, 40-anyos residente ng Antipolo, Minalabac patungo sa Del Gallego nasakop o nakain nito ang kabilang linya at nabangga ang paparating na motorsiklo. Minamaneho ito ng sundalong si Jomar Basagre, 41-anyos , Philippine Army assigned sa 9ID at residente ng Barangay Agrupacion, Ragay.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community
Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang sundalo, dinala sa ospital pero ideneklarang dead on arrival ng sumuring doktor.

Mahaharap na ang driver ng truck sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Damage to Property.