‘Tulak’ nakuhanan ng mahigit P400K na shabu

Arestado sa buy-bust operations ng drug enforcement units ang lalaking tulak ng iligal na droga sa bayan ng  Gubat, Sorsogon.

Nangyari ang transakyon sa Brgy Cota na Daco kung saan nagbenta umano ang suspek ng 65 gramo ng hinihinalang shabu.

Kinilala ng Pulisya ang suspek na si Arnel Ebes Lolo, 31-anyos, may kinakasama, vendor at construction worker at naninirahan sa Brgy Pangpang, Donsol, Sorsogon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Narekober ditto ang tatlong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may Dangerous Drugs Board (DDB) value na P442K, isang weighing scale, cellphone at pulang Rusi MC.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Isinagawa ang buy-bust operation ng pinasanib na puwersa ng team mula sa Office of the Deputy Regional Director for Operations (ODRDO) Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) at Gubat MPS.

Pagbebenta at pagbibitbit ng iligal na droga ang kasong haharapin ng suspek.