‘Suicide incident’ sa Estados Unidos, mas tumaas pa noong 2022 – CDC

TUMAAS umano ng 2.6% ang mga naitalang kaso ng suicide incident sa Estados Unidos nitong nagdaang 2022 batay sa tala ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Sa datus ng ahensya, umabot sa kabuuang 49,449 ang naitalang bilang ng mga nasawi dahil sa ‘suicide’ o pagpapakamatay, mas mataas ng ilang bahagdan kumpara sa 48,183 noong 2021.

Kaugnay nito, siyam umano mula sa sampong mga Amerikano ang naniniwalang nahaharap sa matinding ‘mental health crisis’ ang America lalo at napag-alaman na kalahati ng mga suicide incident sa bansa noong nakaraang taon ay ‘firearm related’.

Ayon sa World Health Organization, malaking tulong umano ang pagkakaroon ng kolaborasyon ng mga ahensya ng gobyerno at iba’t-ibang sektor ng lipunan upang mapigilan ang pagpapakamatay ng mga indibidwal na nahaharap sa mental health crisis.

Ipinapayo rin nito sa publiko na maging bukas sa mga pinagkakatiwalaang tao kung ano ang saloobin at ibahagi ang nararamdaman sa mga eksperto sakaling nakararanas ng mga sintomas ng ‘depresyon’.### JUMEL DELA ROSA