Sudan Prime Minister nag-resign

Inanunsyo ni Sudan Prime Minister Abdalla Hamdok ang kanyang resignation ilang linggo lamang  matapos siyang ma-reinstate  sa pamamagitan ng kontrobersyal na kasunduan sa militar.

Matatandaan na nawala sa kapangyarihan si Hamdok at naisailalim sa house arrest  pero naibalik sa puwesto matapos ang isang buwan matapos siyang pumirma ng  power-sharing deal kasama ang coup leader.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Iprinotesta ito ng mga tao  kasabay ng paggigiit  na dapat ay maibalik ang civilian political rule.

Matapang na inihayag ni Hamdok na nasa “dangerous turning point” ang  Sudan.

Read More:  US launches campaign to dismantle ICC

Binigyang diin ni Hamdok na pinilit niyang gawin ang kanyang makakaya para mapigilan  ang disaster sa kanilang bansa kabilang na ang pagpasok sa kasunduan.

Dagdag ni Hamdok, nagpasya siyang magbitiw sa tungkulin para maigyang-daan ang sinumang manunungkulan sa kanilang bansa.