6 na bagong kaso at 233 recoveries sa Covid-19, naitala sa Bicol

BNFM BICOL – PATULOY na nakakapagtala ang rehiyon ng mataas na bilang ng recoveries kumpara sa mga bagong kaso ng covid-19 sa mga unang araw ng 2022.

Base a latest bulletin ng DOH-Bicol, mayroon lamang 6 na mga bagong kaso ang rehiyon. Tatlo nito ay naitala sa Camarines Sur kung saan may 1 ang bayan ng Baao at 2 sa Naga City.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Dalawa naman ang nadagdag sa islang probinsya ng Masbate na nagmula sa bayan ng Cawayan habang may 1 ang bagong kaso na naitala na mula sa labas ng rehiyon. Bunsod nito, pumalo na sa 46,827 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon mula pa noong 2020.

Samantala, mayroon namang 233 na mga bagong gumaling na pawang mula sa Camarines Sur. Bunsod nito, sumampa na sa 42,784 ang COVID-19  recoveries sa Bicol habang wala namang naidagdag sa bilang ng mga nasawi kaya’t nananatili sa 1,948 ang death toll ng sakit sa kabikulan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Patuloy pa rin ang panawagan ng DOH sa mga Bicolano na sundin ang  mga umiiral na minimum public health standards lalo na at kinumpirma ng health department kamakailan ang pagkaka detect ng Omicron variant sa rehiyon.