2 COVID-19 omicron variant cases sa Camarines Sur pareho nang nakarekober

NAGA CITY-  Inanunsyo ng Department of Health Bicol nitong Dec. 31, 2021 na nakapagtala na ang rehiyong ng dalawang kaso ng COVID-19 Omicron variant.  Ang dalawang pasyente ay pareho nang gumaling.

Ito ay batay sa resulta ng genomic sequencing  mula sa Philippine Genome Center (PGC) na natanggap ng Bicol Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU).

Una ang 27-anyos na ginang na residente ng Bombon, nagtatrabaho sa pribadong opisina sa Maynila , lumabas ang resulta na positibo sa COVID-19 noong Dec. 15, wala siyang sintomas, fully vaccinated ng Sinovac at nakarekober na.  Walang opisyal na pahayag ang LGU ukol dito.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang pangalawa ay 46-anyos na  ginang staff ng paaralang pang Sekondarya, residente ng  San Rafael, Tigaon.  Ayon sa opisyal na pahayag ng LGU , Nobyembre 15 pa noong  magpositibo.

Dec 13 nang malamang Delta variant positive at isinailalim muli sa RT-PCR Test.  Dec. 27 negatibo na ito sa sakit.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Walang travel history sa Maynila. Tagged na siya as recovered o gumaling na noong Dec. 6 ayon sa tala ng DOH Bicol.  Partially vaccinated ng Sinovac.

Kauganay nito, pinag-iingat ng DOH ang lahat , hinikayat din din ni Camarines Sur Provincial Officer Dr. Rey Millena ang publiko na tumanggap ng COVID-19 booster shots upang madagdagan pa ang proteksyon sa sakit.

Sa lalawigan may ilan nang bayan na nagkakaroon ng booster shots tulad sa Canaman, Milaor, Bombon at ilan pa.