LEGAZPI- Simula ng manungkulan si General ESTOMO, bilang PNP Bicol Director, ay bumaba ang antas ng mga krimen sa Bicol, kung saan simula noong buwan ng Abril hanggang Oktubre 28 ngayong taon, ay bumulusok sa 20.34% ang kabuuang naitalang mga insidente ng krimen na mas mababa ng 4.88% kumpara ng nakaraang taon.
Ayon sa datos mula sa Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), 7,666 ang nairekord na mga krimen ngayong taon 2021 na higit na mas mababa ng 1,443, kumpara sa 9,109 na insidente noong nakaraang taon 2020.
Ang nasabing datos ay bunga ng mahigpit at masusing pagpapatupad ng batas kung saan 7,189 na kaso ang ikinunsidera ng “cleared”. Ito ay indikasyon na ang mga suspek sa krimen ay natukoy na. Kasabay din nito ang 5,858 “solved crimes” na nagpapahiwatig na may naihain ng mga kaso at naaresto na ang mga akusado.
Kabilang sa mga naging estratehiya ng PNP Bicol, ang paglulunsad ng iba’t ibang anti-criminality campaigns katulad ng kampanya kontra droga, wanted persons, at terorismo.
Bukod dito, puspusan rin ang paglalatag ng mga programa at inisyatibo sa ilalim ng police community relations na naging tulay upang makuha ang suporta at tiwala ng publiko patungo sa isang ligtas at payapang komunidad.