Venezuela – Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang isang lalaki sa Venezuela matapos itong magkunwari bilang isang doktor at nagsagawa ng contraceptive implant procedure sakanyang mga pasyente gamit ang stick ng lollipop.
Batay sa ulat, kinilala ang suspek na si Jose Daniel Lopez na nagpakilala bilang isang ob-gynecologist sa mga kababaihang lumalapit sakanya para magpasailalim sa nasabing medical procedure.
Aabot sa 25 mga kababaihan sa lugar ang nabiktima nito at nabisto lamang ang suspek makaraang mabuntis pa rin ang isa sa mga babaeng naging kliyente nito at nang magpasuri sa totoong doktor ay napag-alamang stick lamang pala ng lollipop ang inilagay sakanyang braso.
Kumalat sa social media ang naging karanasan ng biktima at inireklamo rin nila ito sa mga otoridad daan upang maaresto si Lopez.
Napag-alaman na dating nagtrabaho ang suspek sa isang health center ang suspek kung saan umano posibleng natutunan nito ang nasabing medical procedure.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol