4 na mga bagong kaso, 31 recoveries at 66 na pagkasawi sa COVID-19 naitala sa Bicol region sa pinakahuling weekly report ng DOH

BNFM BICOL— Nananatili sa 430 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol Region batay sa pinakahuling datus na inilabas ng Department of Health-Bicol.

Sa weekly report ng ahensya as of May 1 hanggang May 7, 2022, umabot sa apat ang mga naitalang bagong kaso ng sakit sa rehiyon na pawang mula sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Bunsod nito, sumampa na sa 59,091 ang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 sa Kabikolan kung saan 56,094 sa mga ito ang nakarekober matapos madagdagan ng 31 bagong gumaling.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Nasa 66 naman ang mga bagong naitalang nasawi kung saan 32 nito ang mula sa Camarines Sur habang 34 naman ang mula sa Masbate. ###