State of emergency idineklara sa South Africa dahil sa matinding baha

Nagdeklara ng national state of disaster si South African President Cyril Ramaphosa bunsod ng mapaminsalang baha sa east coast ng kanilang bansa.

Ayon kay Ramaphosa, itinuturing nila na humanitarian disaster na kailangan ng massive at urgent relief effort ang insidente.

Kinumpirma ng pangulo na labis na naapektuhan ng kalamidad ang Port of Durban na isa sa pinakamalaki at pinakaabalang shipping terminal sa South Africa.

Una nang naitala ang death toll sa 443 habang 48 ang patuloy na pinaghahanap sa east coast city ng Durban.

Nananatili namang hindi accessible ang iba pang mga lugar na labis na naapektuhan ng malawakang pagbaha kung saan kasama ang 16 na mga eskuwelahan.