Florida, U.S.A— Ayon sa pananaliksik, karaniwang inaabot lamang ng sampo hanggang 13-taon ang itinatagal ng buhay ng isang aso kung kaya’t ganun na lamang ang tuwa ng pet owner na si Gisela Shore, matapos kilalanin ng Guinness ang kanyang alagang “Chihuahua” bilang pinakamatandang nabubuhay na aso sa buong mundo.
Kamakailan lamang nang kumpirmahin ng Guinness Book of World Records na ang Chihuahua dog na si Tobykeith mula sa Florida, U.S.A ang kasalukuyang title holder ng “Oldest Living Dog” in the whole world.
Sa edad na 21-taon, nananatili pa ring maliksi at malusog si Tobykeith sa pangangalaga ng kanyang amo na si Gisela Shore.
Kwento ni Shore, simula noong tuta pa lamang si Tobykeith ay nasa sakanyang puder na ito matapos niyang ampunin noong taong 2001 sa Peggy Adams Animal Rescue.
Dagdag pa nito, ang balanced diet ni Tobykeith ang nakikita niyang dahilan kung kaya’t nananatiling malusog ang kanyang alagang aso sakabila ng edad nito.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol