Dean ng Aemilianum College of Law, nagbigay payo sa mga nais mag-aral ng abogasya

SORSOGON CITY – Tinukoy ni Aemilianum College of Law Dean Judge Rofebar ‘Kager’ Gerona, ang mga pinakamahalagang katangian na dapat taglayin ng isang estudyanteng nais mag-aral ng abogasya.

Ayon dito, bukod sa dapat na mayroong disiplina, lubhang mahalaga din umano na ang estudyante ay alam kung paano i-manage ang kanyang oras at marunong magset ng kanyang mga prayoridad.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Aniya ang mga ito kasi umano ang maituturing niyang sekreto upang mapagtagumpayan ng isang law student ang kanyang pag-aaral.

Naniniwala kasi umano siya na ang katalinuhan tulad ng iba pang mga bagay ay natututunan kung ito lamang ay pagsusumikapan.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Ang  ACI College of law ay nadagdagan naman ng mga bagong abogado, ito ay matapos magkaroon ng bagong 14 na bar passers noong November 2020-2021 Bar Examination.