CAMARINES NORTE- Nilinaw ng Social Security System na pasok na sa Sickness Benefit Program ang mga miyembro nito na naka- home quarantine dahil sa COVID-19 taliwas sa mga naunang media reports.
Sa opisyal na pahayag na ibinahagi sa media nitong Lunes via email ni SSS Luzon Bicol Division Senior Communication Analyst Quennie Joy Agsao, ipinaliwanag ng ahensiya na ang mga miyembro na hindi makapagtatrabaho dahil sa sakit kabilang ang COVID-19 infection na na-confine o nagpapagaling sa bahay ng apat na araw ay maaaring mag-avail ng nasabing benepisyo.
Maliban sa employed members pakikinabangan din ang nasabing programa ng self- employed, voluntary at overseas Filipino workers (OFW).
Ang Sickness Benefit Program ay daily cash allowance na ibinabayad para sa ilang araw na ang kwalipikadong miyembro ay hindi makapagtrabaho dahil sa pagkakasakit o injury kasama na ang mga mangagawa na infected ng COVID- 19.
Maaari itong i- avail ng miyembro ng hanggang sa maximum na 120 days in sickness benefit sa isang calendar year.
Para ma- qualify ay dapat ay nakapagbayad ang infected members ng kahit man lang tatlong buwanang contributions sa loob ng 12 buwan bago ang semester ng pagkakasakit o injury na naka confine sa ospital man o kahit nasa bahay ng apat na araw.
Ayon naman kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo bukod sa Sickness Benefit Program ay maaari din umanong i- avail ng isang miyembro na nawalan ng trabaho ngayong pandemya ang unemployment benefit.
Online umano ang pag apply nito at kailangang may authentic Department of Labor’s certificate of separation.
Paalala ni Robredo sa mga nagnanais mag avail ng programa na huwag magsumite ng pekeng separation certificate dahil mare- reject ang application.
Kahit online ay may kakayahan umano ang SSS na i- detect kung ang isinusumite sa kanilang certificate ay “authentic” o peke
