LGU Basud muling magpapatupad ng work from home arrangement sa mga empleado nito sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19

CAMARINES NORTE- Simula ngayong araw, Enero 25 ay muling magpapatupad ng work from home arrangement ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud sa Camarines Norte sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19.

Noong weekend nakapagtala ang naturang bayan ng 30 bagong kaso ng sakit na pinakamarami sa buong lalawigan.

Ayon sa LGU, epektibo simula ngayong araw ay magpapatupad ng alternative work arrangement kung saan 50 % ay nasa opisina at 50 % naman ang work from home.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Hindi kasama sa arrangement ang mga frontliners, mga empleado ng Municipal Social Welfare and Development Office, Municipal Health Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na araw- araw ay kailangang mag- duty.

Tatagal ang ganitong arrangement hanggang nasa ilalim ng Alert Level 3 ang probinsiya na renewable kada ika 16 at katapusan ng buwan.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Batay sa COVID- 19 bulletin ng LGU sumampa na sa 59 ang aktibong kaso ng sakit sa naturang bayan na naitala sa loob lang ng tatlong linggo.

Nasa 313 na ang kabuuang bilang ng mga tinaman ng COVID- 19 at 236 naman ang gumaling.

Umabot na rin sa 18 ang bilang ng mga nasawi makaraang madagdagan ng isang kaso nitong buwan lang.