BNFM BICOL – HINIKAYAT ng Social Security System o SSS-Bicol ang kanilang mga miyembro na i-monitor ang kanilang contribution records at tiyakin na ito ay naihuhulog sa tamang oras.
Kaugnay pa rin ito sa kampanya ng SSS na habulin ang mga employers na bigong irehistro at bayaran ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado.
Ayon kay SSS vice president for Luzon Bicol Division Elenita Samblero, kung sakaling madiskubre na mayroong discrepancies, huwag mag-alinlangan na sumangguni sa kanilang tanggapan at kung sakaling hindi aaksyon ang kanilang mga employers, maaaring maghain ng non-remittance complaint laban sa mga ito.
Samantala, sa kabilang dako naman inaasahang aabot sa halos tatlong milyong pisong halaga ng unpaid contributions at penalties ang kanilang makokolekta mula sa 54 na mga delinquent employers na kanilang natukoy sa isinagawang Run After Contribution Evaders (RACE) campaign sa ibat ibang panig ng rehiyon. ####