Dumating na sa Thailand si dating Sri Lankan president Gotabaya Rajapaksa, para humingi ng temporary shelter sa second Southeast Asian country.
Si Rajapaksa ay lumapag sa Bangkok’s Don Muang airport sa pamamagitan ng isang chartered flight mula sa Singapore, matapos sabihin ng city-state’s immigration authority, na umalis na ito ng Singapore.
Si Rajapaksa ay inaasahang pansamantalang mananatili sa Thailand matapos tumakas sa Sri Lanka papuntang Singapore noong July 14.
Matatandaan na nagbitiw ito sa pwesto, kasunod na hindi na mapigilang protesta sa kanyang gobyerno dahil sa worst economic crisis sa loob ng pitong dekada, at matapos lusubin ng libo-libong mga raliyesta ang official residence at office ng presidente.
Ayon sa Thai authorities, na ang dating military officer, na unang Sri Lankan head of state na nagbitiw sa mid-term, ay walang planong humingi ng political asylum at mananatili lang doon ng pansamantala.
Dagdag naman ng Thailand, na ang diplomatic passport ng dating pangulo ay nagpapahintulot sa kanya na manatili sa naturang bansa sa loon ng 90 araw.
