NAGA – Tiniyak ng Camarines Sur Police Provincial ang pinaigting na pagbabantay sa mga paaralan, ito ay kaugnay ng nangyaring pang momolestya o sexual abuse sa apat na mga guro sa Ocampo , Camarines Sur noong Agosto 8, 2022.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni CSPPO Spokesperson PLt. Sheralyn Samonte, na ipinag-utos ni PCol. Bernardo Perez sa mga Municipal Police Stations na makipag-ugnayan sa mga Local Government Units at Barangay Councils. Nakikipag-ugnayan na rin sa Department of Education para sa kaligtasan ng mga guro, school personnel at mga estudyante.
Malawak ang Camarines Sur, hindi lahat ng sulok mababantayan ng PNP sa bawat tiktak ng orasan, kaya hinihingi ang kooperasyon ng bawat isa.
Siniguro rin na hindi sila titigil upang nahuhuli ang salarin.
Kinondena ng DepEd Central Office ang nangyari, nakasaad din kung ano mga hakbang upang hindi na ito maulit pa sa iba.