Shortage ng gamot para sa mga HIV patients sa India, ikinabahala

Nangangamba ang maraming HIV patients sa India sa posibleng kakapusan ng suplay nila ng gamot.

Ayon sa isang HIV patient na umaasa sa bigay na gamot ng kanilang pamahalaan, nakatanggap siya balita mula sa kapwa HIV carrier sa iba’t ibang estado na bumababa na ang bilang ng gamot na natatanggap nila.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Dahil sa hinalang mayroong shortage ng ng mga essential na gamot kabilang ang para sa mga HIV carrier, nagsagawa ng serye ng protesta ang mga HIV activist sa harapan ng National AIDS Control Organization sa Delhi.

Binigyang diin ng mga pasyente na napakahalagang mainom ng mga carrier ng HIV ang kanilang tamang gamot sa tamang oras habang posibleng mas tumaas ang kaso kapag napabayaan ang mga ito.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Matatandaan na ang India ang ikatlong bansa na mayroong pinakamaraming nabubuhay na HIV patient na aabot ng 2.3 million kung saan nagsimulang magbigay ng libreng ant-retroviral drugs noong 2004.