Special Vaccination Days, ikakasa sa Bicol

BICOL – HINIKAYAT ngayon ng Department of Health o DOH ang mga Bicolano na makilahok sa ikakasang 2 araw na Special Vaccinations Days sa darating na Abril 25 hanggang 26 ngayong taon.

Ayon sa DOH-Bicol, sabayan itong isasagawa sa ibat ibang mga probinsya sa rehiyon sa layuning mas lalo pang mapataas ang vaccination coverage sa rehiyon at makamit ang target na herd immunity.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Pagpupunto pa ng ahensya, Nngayon na mababa na ang kaso ng COVID-19 at nakikita na rin ang positibong epekto ng mga bakuna ay mas lalo umanong dapat na magkaisa ang bawat isa tungo sa COVID-19 free Bicolandia.

Inaabisuhan naman ang mga nagnanais na makiisa sa nasabing aktibidad na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga lokal na pamahalaan upang malaman ang schedule at vaccination sites sa kanilang mga lugar.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Samantala, naka post din sa official facebook page ng DOH-Bicol ang mga numero na maaaring i-text o tawagan para sa mga katanungan at iba pang impormasyon ukol sa nasabing aktibidad.

Tema ng ikakasang 2-day special vaccination days saa rehiyon ay “Basta BIKOLANO,BAKUNADO, PROTEKTADO.”