LEGAZPI-Nilinaw ng Commission on Election (COMELEC) Legazpi na wala namang partikular na barangay ang identified na nasa “red category” matapos maisama ang bayan o lungsod nito sa Election Areas of Concern.
Ayon kay Atty Fatima Gados Pani Agua, Acting Election Officer IV ng Comelec Legazpi, ang tinutukoy o nirerefer ng Election areas of concern ay ang kabuuhang o kabilugan ng nasabing lungsod.
Aniya, ang factor nito ay hindi lamang sa barangay kundi political rivalry.
Maliban na lamang kung mayroong nangyaring election related incident sa barangay na pwedeng masabi na election areas of concern.
Dagdag pa nito, ang basehan lamang kung bakit nailagay ang legazpi sa classification sa red category ay dahil sa mayroon previous political rivalry at presence ng new peoples army.
Sinabi ng opisyal, sa panahon ngayon ay magiging mainit ang political rivalry election sa lungsod dahil sa ngayon lamang ito nagkaroon nang seryosong kalaban sa pagka-akalde kumpara sa mga nakaraang election ay wala namang sumeseryosong lumalaban sa election.